288 - Galak Akong Magsaysay

Galak akong magsaysay ng lihim na bagay
Ni Jesus na nagbigay ng buhay sa tanan;
Ito'y kakamtang tunay ng sino't alinman
Na manampalatayang Siya'y kaligtasan.

REFRAIN

Galak akong magsaysay ng pag-ibig at buhay
Ni Jesus na marangal, tumubos sa tanan.

Lihim ng kalangitan sa puso'y ilulan
At sampalayanang lilikha ng buhay;
At may kababalaghang sala'y huhugasan
Kahit gaanong sama'y lilinising tunay.

REFRAIN

Galak akong magsaysay ng pag-ibig at buhay
Ni Jesus na marangal, tumubos sa tanan.

Ang sugong ito'y tanggap huwag nang magluwat;
Samantalang may oras agad kang umagap;
Ako nga'y nagagalak ihayag sa lahat
Na nangagsisihanap ng ikaliligtas.

REFRAIN

Galak akong magsaysay ng pag-ibig at buhay
Ni Jesus na marangal, tumubos sa tanan.

Aking kinagigiliwang ihayag sa tanan
Ang magandang balitang kinauuhawan
Na marinig tuwina ng makasalanan
At nang ang kaluluwa'y magkamit ng buhay.

REFRAIN

Galak akong magsaysay ng pag-ibig at buhay
Ni Jesus na marangal, tumubos sa tanan.

0:00 0:00